top of page

Kumakatok sa Hatinggabi

Sa unang episode ng aming bagong podcast, tatalakayin natin kung ano ang ibig sabihin ng Patuloy na Pagkatok para sa Diyos. Itinuro ni Jesus sa Kanyang mga alagad kung paano manalangin. Ang modelo ng panalangin at ang halimbawa na kasunod nito ay makakatulong sa ating lahat na matutunan kung paano manalangin upang pakinggan tayo ng Diyos.







Kalagitnaan na ng gabi. Ang nakarinig siya ng hindi inaasahang pagkatakot sa pinto. "Hindi ngayon," sabi niya sa kanyang sarili. "Umalis kana. Ako ng bahala dyan bukas." Pero ang katok ay nagpatuloy, at palakas ng palakas. Ngayon siya'y gising na. Nakita niyang nagsisimula nang magising ang kanyang asawa at mga anak. Nabosesan nya ang mahinang tunog na naggagaling sa sigaw ng kanyang kapit bahay mula sa pinto na ang sabi, "Kailangan ko ang tulong mo. Kailangan ko ng tinapay." At sumigaw siya pabalik ang sabi, "Hatinggabi na! Tulog na kaming lahat! Umalis kana!" Pero hindi huminto ang pagkatok. Mukhang mahalaga talaga sa kanyang kapitbahay ang hinihiling niya. Kaya't hindi ito titigil hangga't makuha ang kanyang kailangan.


Kamusta kayong lahat. Ito ang podcast na Patuloy na Pagkatok. Ako si Scott Ihle, at ako ang Executive Director ng Logos Answers, at ang missionary in residence sa Woodstock church of Christ sa Atlanta, Georgia. Sinabi ni Hesus sa Kanyang mga alagad na kung sila'y kakatok, bubuksan para sa kanila ang pinto. At sa podcast na ito, kami ay kumakatok ng walang tigil, at walang pag-aalinlangan, habang sinusubukan naming tuklasin ang katotohanan tungkol sa Diyos na maylikha, at ang hinirang anak ng Diyos na si Hesus, at ang kanilang kanasiyahang salita na matatagpuan sa Biblia.

 

Itinuro ni Hesus sa Kanyang mga alagad kung ano ang dapat ipanalangin.

Natanong mo na ba sa iyong sarili, "Paano ba ako dapat manalangin sa Diyos?". Sa aking paglalakbay sa iba't ibang parte ng mundo, saksi ako sa iba't ibang paraan ng tao sa panalangin. Ang iba ay nananalangin ng taimtim sa kanilang isipan. Ang iba ay nag- iniunat ng kanilang mga kamay at sumisigawa sa langit. Nakakita ako sa iba na may nagsusunog ng insenso. Nakakita ako sa iba na umaawit at sumasayaw, sumuyukop at tumitirapa sa lupa o ang iba ay nagsusulat sa kapirasong papel inigugulong ito at idinidikit sa pagitan ng pader.

 

Iba't ibang paraan din ng pagdarasal ang sinasabi ng mga tao. Ang iba ay paulit ulit na sinasabi ang mga salita. Ang iba ay para lang nakikipag usap sa kanilang kaibigan. Ang iba naman ay parang nakikipagusap sa isang bank teller na maglalabas ng pera.

 

Kaya hindi na nakapagtataka na isa sa mga alagad ni Hesus ay nagtanong sa Kanya kung paanong manalangin. Ito ang iminungkahi ni Hesus na dapat nating sabihin sa Diyos sa ating mga panalangin:

Ama, sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Ibigay mo sa amin sa bawat araw ang aming pang-araw-araw na pagkain. At ipatawad mo sa amin ang aming mga kasalanan, sapagkat pinatatawad naman namin ang bawat nagkakautang sa amin, at huwag mo kaming dalhin sa tukso (Lucas 11:2–4 Ang Biblia, 2001).

 

Una, pansinin ang kasimplehan ng panalangin ito. Ang punto ay wala sa eksaktong mga salita, na sasabihin kundi ang nilalaman. Ang mga bahagi ng isang maganda panalangin ay dapat:Una, Magbigay papuri sa Diyos. Pangalawa, tapat na hangarin na naisin na Siya ang maghari sa iyong buhay at sa buong mundo. Pangatlo, hilingin ang mga pangunahing pangangailangan sa araw na ito. Pang-apat, humingi ng kapatawaran sa iyong mga kasalanan at kapatawaran ng iba. At panglima, umasa at magtiwala sa kapangyarihan at patnubay ng Diyos upang ilayo ka sa masasamang mga bagay bagay. Posible nga bang manalangin tayo ng iba pang mga bagay? Oo naman! Pero dito ay binibigyan ng diin ni Hesus ang pangunahin pangangailangan natin para konteksto ng pagsunod sa kalooban ng Panginoong Diyos. Dahil minsan kung tayo ay sobrang nag-aalala tungkol sa isang bagay, at maari tayong manalangin nang walang humpay para sa bagay na iyon. Kaya kung minsan din sa ating panalangin ay maari tayong maging sobrang nag-aalala sa ating sarili na nakakalimutan na natin ang Diyos, at nakakalimutan na natin ang Kanya kahalagahan, ang kanyang Kaluwalhatian, ang Kanyang mga utos,  ang Kanyang awa at Kanyang kapangyarihan. Ang simpleng panalangin na ito ay nagpapaalala sa atin kung ano ang mga priyoridad ng Diyos.

 

Ngunit gaano mo ba talaga ito kagusto?

Hindi natapos si Hesus sa pagsasabi sa kanyang mga alagad kung ano ang dapat ipanalangin. Nagpatuloy Siya sa halimbawang ito kung paano manalangin. Binibigyang-diin Niya na kapag nananalangin tayo sa Diyos tungkol sa mahahalagang prayoridad, na ito kailangan nating maging walang humpay sa paghabol sa kalooban ng Diyos.

 

Sinabi ni Hesus:

Sino sa inyo ang mayroong kaibigan at kayo ay pumunta sa kanya nang hatinggabi at magsabi sa kanya, "Kaibigan, pahiramin mo ako ng tatlong tinapay; sapagkat dumating ang isa kong kaibigan mula sa isang paglalakbay at wala akong maihain sa kanya." At siyang nasa loob ay sasagot, "Huwag mo akong abalahin. Nakasara na ang pinto, nasa higaan na kami ng aking mga anak. Hindi ako makakabangon upang mabigyan ka ng anuman!" Sinasabi ko sa inyo, bagaman hindi siya bumangon at magbigay sa kanya ng anuman dahil siya ay kanyang kaibigan, ngunit dahil sa kanyang pamimilit siya'y babangon at ibibigay ang anumang kailanganin niya (Lucas 11:5–8 Ang Biblia, 2001).

 

Ang ideyang ipinaparating dito, ay kung talagang kailangan mo ng isang bagay, kailangan mo itong hingiin ng paulit ulit. At kung Pakiramdam mo ay kailangan mo talaga, handa kang pumunta at abalahin ang iyong kaibigan sa gitna ng gabi. Nakakahiya ito. Syempre ayaw mong gambalain ang iyong kaibigan at mapahiya. Pero ito kailangan kailangan mo talaga. Yung tipong  di mo kaya mabuhay ng wala ito, kaya hindi ka pwede sumuko ng ganon ganon lang. Ikaw ay magiging matapang at walang humpay.

 

Sa iyong buhay gaano ka katapang at walang humpay sa paghahangad sa mga priyoridad ng Diyos?

 

Maraming distractions sa buhay na ito na pumipigil sa atin na lumapit sa Diyos sa tamang paraan.

Ang paghahangad sa Diyos at sa kanyang mga priyoridad ay ang pinaka nagbibigay-kasiyahan at kapaki-pakinabang na paraan kung paano ka mabubuhay sa mundong ito. Ang iyong mga paghihrap ay hindi masasayang  sa Diyos, kaya dapat kang magsumikap na makilala pa siya at hanapin ang Kanyang mga kalooban sa iyong mga panalangin. Kung meron tayong ama o kaibigan na mahal natin, magiging masigasig para mas maging malapit pa sa kanila, di ba? Ito din ay dapat walang pagkakaiba sa ating pakikipag-usap sa ating amang nasa langit, ang lumikha ng langit at lupa. Dapat natin naisin ang alok Nya higit sa anupaman.

 

Sa kasamaang-palad, maraming bagay ang maaring humadlang. Maaring gugulin natin ang ilang panahon sa paghahangad sa ibang mga bagay o maaring mayroon tayong masamang pag-uugali na nagpapahina sa atin. Maari nating piliin ang ibang taong mahal natin kaysa sa Diyos, o maaaring  ikahiya natin ang Diyos sa harapan ng ibang tao. Kapag ang ibang mga prayoridad na ito ay humahadlang  sa atin, ay hindi tayo magiging kasing sipag sa paghahanap sa Kanya, at sa paghahanap sa Kanyang mga paraan sa pamamagitan ng panalangin. Mawawalan tayo ng pakialam na kumatok ng walang humpay, at mawawala ang ating tapang na kumatok sa kalagitnaan ng gabi.

 

Itinuro ni Jesus sa Kanyang mga alagad na kung sila ay masigasig sa paghahanap sa Diyos sa panalangin, makakamtan nila ang hinahanap nila.

Itinuro ni Hesus sa Kanyang mga alagad na kung sila ay masigasig sa paghahanap sa Diyos sa panalangin, ay mahahanap nila ang kanilang hinahanap. Hindi lang ang mga panalangin na ibinibigay natin sa Diyos ang masasagot. Tandaan na ang Diyos ay hindi isang teller sa banko o isang ATM Machine. Ang ating mga panalangin ay dapat ayon sa Kanyang kagustuhan.

 

Nais din ng Diyos na magtiwala tayo sa Kanya, manalig at umasa sa Kanya at sa Kanyang mga turo bago niya sagutin ang ating panalangin sa kamangha-manghang paraan. Kaya’t kung tayo ay nagnanais, walang humpay at hindi natitinag ay ibibigay, Niya sa atin ang lahat ng ating mga kailangan.

 

Nagpatuloy si Hesus sa pag sabi,

At sinasabi ko sa inyo, humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo, at kayo'y makakakita; tumuktok kayo at kayo'y pagbubuksan. Sapagkat ang bawat humihingi ay tumatanggap, at ang humahanap ay nakakatagpo, at ang tumutuktok ay pinagbubuksan. (Lucas 11:9–10 Ang Biblia, 2001).

 

Ang sabi ni Hesus ay kinakailangan nating maging masigasig na hanapin ang Diyos, at ibibigay niya sa ating ang hinahanap natin.

 

Isa pang talata sa Biblia na gustong gusto ko ay sa Awit 145:18–20,

Ang Panginoon ay malapit sa lahat ng sa kanya'y nananawagan, sa lahat ng tumatawag sa kanya sa katotohanan. Kanyang ibinibigay ang nasa ng lahat ng natatakot sa kanya; kanya ring dinirinig ang kanilang daing, at inililigtas sila. Iniingatan ng Panginoon ang lahat ng umiibig sa kanya; ngunit lahat ng masama ay lilipulin niya (Ang Biblia, 2001).

Si YAHWEH ang ating Diyos at Maylikha, at ay gusto Nyang pangalagaan ang Kanyang mga nilikha. Gusto Niyang ibigay ang ating mga pangangailangan, pero gusto Niya ding lumapit at bumalik tayo sa kanya ng buong puso. Kung lalayo tayo sa Diyos ay hindi Niya maririnig ang ating mga panalangin. Pero kung hahanapin natin Siya ng walang humpay ay matatagpuan natin Siya.

 

Masigasig ka bang lumalapit sa iyong Amang nasa langit sa panalangin? Masigasig mo bang ninanais ang parehong mga bagay na nais ng Diyos para sayo at sa iyong buhay? Ikaw ba ay kumakatok ng walang humpay? Kung oo, matutunan mo na sulit ang lahat ng kahihiyan at pagsisikap. Bubuksan Niya ang Pinto para sayo. At matatagpuan mo ang hinahanap mo.

17 view

Mga Nauugnay na Post

bottom of page