top of page

Paano Natin Malalaman na ang Biblia ay Salita ng Diyos?

Ang Biblia ay kahanga-hangang aklat sa kanyang saklaw at sariling-kapahayagan. Saklaw nito ang simula hanggang katapusan ng panahon at ang kanyang mga nilalaman ay nagpapahayag na ito’y kinasihan ng Diyos (2 Tim. 3:16). Walang anumang aklat sa balat ng lupa ang may ganitong saklaw at kapahayagan. Walang anumang aklat sa kasaysayan na parehas na dinudumog ng mga mananampalataya at maging ng mga mang-uusig kundi ang Biblia lamang. Marami ang nagsasabi at naniniwala na ang Biblia ay tunay na salita ng Diyos – ang bawat kataga nito. Ngunit may iba na nagsasabing ito’y maganda lamang na aklat na nagbibigay ng positibong moral na direksyon sa buhay. Subalit may mga ibang tao na sadyang hinuhusgahan ang buong nilalaman nito. Kaya’t ano kung gayon sa mga pananaw na ito ang tama? Ang Biblia ba talaga ay salita ng Diyos? Paano tayo makatitiyak? Kaya maganda na sa simula pa lamang ay aminin na natin na kung ang Biblia ay tunay na salita ng Diyos, tiyak na mahihirapan ang marami na tanggapin ang katotohanang ito kahit alam nila na ito ay totoo. Bakit? Sapagkat ang katotohanang ito ang magiging batayan ng ating mga pagpapasya sa pagpili ng tama o mali. Ang Biblia ang pinakamataas na batayan ng pamantayan ng moralidad at ang pagtanggap dito na ito ang salita ng Diyos ay nangangailangan ng mga sakripisyo na hindi gusto ng ibang tao. Ito rin ay maaring magdulot ng paghihiwalay ng mga pamilya at mga magkakakaibigan. Maraming tao ang hindi kayang tanggapin na ang Biblia ang tunay na salita ng Diyos dahil sa mga kadahilanang yaon. Sa kabilang dako, kung ang Biblia ay tunay na salita ng Diyos, ito ay maaari ring maghatid ng hindi matutumbasang kayamanan at kapayapaan sa mga tumatanggap nito. Kaya ang paniniwala o hindi pagtanggap sa Biblia na ito ang salita ng Diyos ay may walang hanggang dulot sa ating buhay. Maraming katibayan ang maari nating gamitin upang patunayan na ang Biblia ay talagang salita ng Diyos. Bawat pagpapatunay na ginamit sa sanaysay na ito, at pati na rin yaong mga katibayan na hindi nabanggit rito, ay masusing sinuri sa iba’t iba at hindi mabilang na mga dalubhasang aklat at sanaysay. Siyempre, hindi natin magagawang talakayin rito ang lahat ng katibayang naibigay. Gayunpaman, magbibigay tayo ng limang katibayan at sandaling talakayin ang mga ito: 1. Ang Biblia ay puno ng mga natupad na propesiya. Sa buhay pa lamang ni Jesus ay maraming mga propesiya na ang natupad. Ngunit marahil, isang nakatatawag pansing katuparan ng propesiya ay yaong nasasaad sa aklat ni Daniel. Sa aklat na ito ay nagbigay si Daniel ng sapat at detalyadong pagsasalaysay hinggil sa pagbangon at pagbagsak ng apat na emperyo sa kasaysayan ng mundo – Babilonya, Persia, Griego, at Roma. Ang aklat ni Daniel ay nasulat sa panahon ng paghahari ni Nebucadnezar na hari ng Babilonya. Walang anumang paraan upang mahulaan o mahinuha ni Daniel ang pagdating ng tatlong susunod na makapangyarihang mga bansa kung wala siyang natanggap na tulong sa Diyos. Yaong bilang at dami ng mga detalye na kanyang inilagay, na pumapaloob sa halos 700 taon, ay mapagkumbinsing patunay na ang kanyang mga sinabi ay galing sa Diyos na nakakaalam ng lahat ng bagay. Ang totoo niyan, propesiya rin ni Daniel na ang kaharian ng Diyos (ang Iglesia) ay mananaig o papalit sa makapangyarihang emperyo ng mga Romano (Daniel 2:44; 7:17-18) – at iyan nga ang nangyari! 2. Ang Biblia ay naglalaman ng mga mapapatunayang mga siyentipikong katotohanan na hindi pa natutuklasan ng sangkatauhan noong naisulat ang Biblia. Halimbawa, noong ika-8 siglo B.C. (Isaias 40:22), ipinahayag na ng Biblia na ang daigdig ay isang bilog na planeta, na kung saan daang-daang taon ang nakalipas bago ito naging teorya ng mga Griego (Eratostenes, 240 BC) at mahigit 2,000 taon ang nakalipas bago natuklasan ng manlalayag na si Ferdinand Magellan noong 1519 ang kabilugan ng mundo sa pamamagitan ng paglalayag sa salungat na direksyon. Maliban rito, ang iba pang halimbawa ng maka-siyentipikong kaalaman ay ang usapin ng kalusugan, pagkain, at tuntuning pangkalinisan. Sa ibinigay ng Diyos na batas kay Moises at sa mga Judio, may mga tuntunin Siyang ibinigay na hindi pangkaraniwan sa pananaw ng ibang nakapaligid na mga bansa. Halimbawa, noong panahong iyon, ang mga Ehipcio ay naniniwala na ang impeksyon sa mata ay magagamot raw ng ihi ng isang matapat na maybahay.[1] Ito ay kakatwa. Subalit, kabaligtaran ito sa utos ng Diyos, na naisulat sa panahon ding yaon, na nagsasabi na ang gayong sakit o anumang sakit sa balat ay dapat munang suriing mabuti, na ihiwalay ang taong may sakit, at maingat na linisin ang bahagi ng katawan na may karamdaman (Lev. 16:46, 54). Siyempre, ngayo’y itinuturo sa atin ng modernong agham na ang maingat na pagsusuri at paglilinis at paglalagay sa maysakit sa isang lugar na hindi siya makakahawa ay mabisang paraan kaysa sa ihi ng asawang babae. Gayunpaman, ang ganitong tuntuning pangkalinisan ay hindi pa karaniwan noong panahon ni Moises. Ngunit ito ang kanilang ginawa sapagkat ito ang ibinigay ng Diyos.

3. Ang pagkakasulat ng Biblia ay binigyang tibay ng mahimalang kilos, at walang pag-aalinlangang kapangyarihan ng Diyos. Ang mga himala, tanda, at kababalaghan na naranasan at naitala ng mga manunulat ng Biblia ay hindi napawalang bisa ng mga mambabatikos ng kanilang kapanahunan. Halimbawa, sinasabi sa atin sa ika-15 kabanata ng 1 Corinto na ang nabuhay na muling si Jesus ay nagpakita sa mahigit 500 mga saksi. Kaya’t kung ang mga himala at kababalaghan na ito ay hindi naman nangyari, nasaan ang mapagpintas na sigaw at pang-uusig ng mga kritiko noong panahong iyon na nagsasabing ang mga ito’y hindi naman talaga nangyari? Dapat tandaan na ang Kristyanismo ay mapaggambala at nakakatisod sa mga kinikilalang kapangyarihan at pamahalaan noong panahong iyon. Ang Biblia ay madali lang sanang napasubalian at naibagsak kung ang sinasabi nito ay pawang alamat lamang o kuro-kuro. Pag-isipan mo ito: ang mga bantay na sundalong Romano na inatasan na magmatyag sa libingan ni Jesus ay madali lang sanang naglagay ng isang patay na katawan, lalo na noong hindi nila matagpuan ang katawan ni Jesus sa libingan dahil kamatayan ang parusa sa kanila sa pagkawala ng katawan ni Jesus. Subalit ang katawan ni Jesus ay talagang hindi nanatili sa libingan, sapagkat isang himala ng muling pagkabuhay ang naganap. 4. Ang mga manuskrito o mga sinaunang kopya ng Biblia ay hindi matatawaran at matutumbasan sa kanilang integridad. Ang mga aklat sa Biblia ay pinapagtibay ng mahigit 5,700 na mga sinaunang kopya na kung saan bahagya lamang at di-kahalagahan ang makikitang pagkakaiba. Marami sa mga manuskritong ito ay bumabalik sa una o ikalawang siglo mula ng panahon ni Cristo. Ngunit kumpara rito, marami sa mga kilalang mga aklat sa kasaysayan ng literatura ay wala man lang manuskrito na bumabalik sa sinaunang siglo matapos ang kanilang pagkakasulat, may mga nabibilang lamang mula sa medieval na panahon. Halimbawa, ang nakalap na mga kopya ng sulat ng isang tanyag na Romanong mananalaysay na si Tacitus ay hindi man lang umabot sa kalahati ng kanyang buong naisulat. Ang ilang natagpuang kopya ay sinasabing mula lang noong ikasiyam na siglo o mas nahuli pa rito.[2]

5. The Bible is the greatest story ever told.

Marahil, ang pinaka-nakakakumbinsing katibayan na ang Biblia ay talagang salita ng Diyos ay ang dahilan na bagamat ito ay naglalaman ng 66 na mga aklat na naisulat ng 40 na magkakaibang may-akda na nabuhay sa magkakaibang lugar at panahon na pumaloob sa 1,500 mga taon, ito’y nagsasalaysay ng buo, maayos, at makapangyarihang kuwento hinggil sa napakaseryosong tanong ng sangkatauhan.

Lahat ng mga dakila at mahusay na kuwento ay may mga tampok na sangkap. Sa lagay ng Biblia, ito’y isinaayos ng marami sa lohikal na paraan. Ang pinakakilalang pagsasaayos ay ang Lumang Tipan at Bagong Tipan, sinundan ng mga aklat ng Genesis, Exodo, Levitico, at iba pang kasunod na aklat na makikita mo sa iyong Biblia. Subalit para ilarawan ang dakilang salaysay o kuwento ng Biblia, maaari natin itong hatiin sa tatlong mahahalagang bahagi ng kuwento gaya ng alinmang kuwento: pasimula, pagitan, at katapusan. O kaya maaari ring: Nilalaman, labanan, at sukdulang tagpo. Maaari mo itong tingnan sa chart na nasa sa ibaba. Dito mo matatagpuan ang kuwento tungkol sa sangkatauhan na para sa sangkatauhan. Ipinapakita nito ang ating kasaysayan at ang kampon ng kadiliman na ating kalaban. Makikita natin rito ang ating kahirapang kinalalagyan at ang paraan upang magtagumpay. Sa kuwentong ito ay mayroon ring bida at kontrabida na nakapaloob sa madamdamin at kapanapanabik na pakikipagsapalaran. Nagtatapos ito sa masayang kalagayan ng mga tinawag ng Diyos. Sa paraan ng pagkukuwento, hindi ito magpapahuli sa mga kapanapanabik na hula at palaisipan tungkol sa darating na dakilang bayani o tagapagligtas. Bawat bahagi nito’y may tampok at mahusay na pag-usad na ipinaloob sa libo-libong taong kasaysayan. Bawat kuwento ay napapanahon, nakakaugnay sa ating pangangailangan, mapagkakatiwalaan, pinatotohanan, at kapakipakinabang sa anumang yugto ng panahon at kultura. Tunay na walang anumang gawa ng literatura ang maaring tumumbas sa kahangahangang kuwento ng Biblia.


Sa kasalukuyang henerasyon, ang pelikulang Avengers ay itinuring na epikong kuwento. Ito ang kuwento na kinahuhumalingan ng ating henerasyon. Gayunma’y maging ang mga kabataan na bubot pa sa karanasan ay may napapansing mga masalimuot at magkakasalungat na tagpo sa kuwento ng Marvel maging sa kanilang mga sine at mga komiks. Mula sa malikhaing isipan ng isang tao – si Stan Lee – ang kuwento ng Avengers ay ipinapakita sa atin na isang napakahirap na bagay ang gumawa ng isang epiko o dakilang kuwento kahit na maraming isipan pa ang magtulungan sa pagpapahusay nito. Laging may makikitang butas sa ginagawang kuwento at ang epiko ng kasalukuyan ay maaring maging laos o daigin ng susunod na henerasyon.


Yet, the Bible is an accomplishment unlike any story ever told. The only explanation for this miracle of a written text is that it came from God. The powers that often surrounded the Biblical writers, came from God. The inspiration to write such perfect words and phrases, came from God. The precise alignment of history and kingdoms to serve as a backdrop for these stories can only have been directed by God. The copious and maniacal transmission of these ancient documents across continents and millennia can only be by God. The salvation and peace we receive today from its words, can only be from God!

 

[1]. S.I. McMillen and David E Stern, None of These Diseases: The Bible's Health Secrets for the 21st Century (Grand Rapids: F.H. Revell, 2000), 9. [2]. Bruce M. Metzger and Bart D. Ehrman, The Text Of The New Testament: Its Transmission, Corruption, and Resoration, 4th ed. (New York: Oxford University Press, 2005), 50–51.

25 view
bottom of page